Ni Arjay Adan
BINALASA ni Philippine Sports Commission (PSC) chair William Ramirez ang mga key officials nito sa kagustuhang hindi na muling maulit ang nangyaring payroll-padding scam.
Ayon kay Ramirez, sinang-ayunan ito ng PSC Board bilang parte na rin ng plano na muling maayos ang organisasyon.
Sa pagbibigay pahintulot ng five-man board, ang lawyer na si Guillermo Iroy Jr. ay na-appoint bilang acting executive director na dati na rin niyang naging posisyon mula noong nakaraang administrasyon.
Si Merlita Ibay naman ay pinangalanang deputy executive director for finance and services, habang si Queenie Evangelista naman ang mamumuno sa bureau of coordinating secretariat and support services as its acting deputy executive director.
Magkakaroon ulit ng balasahan sa mga tauhan ng PSC bago matapos ang linggo.
Matatandaan na isa sa mga empleyado nito na kinilalang si Michael Ignacio ang nakapagnakaw umano ng nasa 14 milyong piso halaga ng pera mula sa organisasyon simula pa noong 2014.