Ni Melrose Manuel
MAYROONG sapat na suplay ng antiretroviral drugs para Human Immunodeficiency Virus (HIV) ang bansa hanggang sa susunod na taon.
Ito ang tiniyak ng Department of Health (DOH) kasunod ang ulat na may ilang bansa ang nangangambang maubusan ng naturang gamot dahil sa COVID-19 pandemic.
Siniguro pa ng DOH na hindi kukulangin ang suplay ng naturang gamot sa hinaharap dahil patuloy naman ang paggawa ng antiretroviral drugs.
Noong Lunes nang magbabala ang World Health Organization (WHO) na nasa 73 bansa ang nanganganib na maubusan ng stock ng antiretroviral medicine dahil sa pandemya.