Ni Vic Tahud
NAKIKIPAG-PARTNER ngayon ang bansang Pilipinas sa ilang bansa para sa ginagawang clinical trial para sa COVID-19 vaccine.
Ito ang kinumpirma ni Department of Science and Technology Sec. Fortunato Dela Peña sa panayam ng Sonshine Radio matapos ipahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaaring magkaroon na ng COVID-9 vaccine sa buwan ng Disyembre.
Kabilang naman aniya sa bansang nakikipag-partner ang bansa ay ang China, India, Canada at Taiwan.
Sa kabila nito, duda naman ang kalihim na magkakaroon nga ng vaccine laban sa COVID-19 sa buwan ng Disyembre.