Ni Melrose Manuel
BALIK normal na ang playing time ng National Basketball Association sa pagsisimula ng second round ng scrimmages ng 22 koponan sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.
Ibinalik na ito sa dating 48-minutes makaraang ibaba ito sa 40 minuto sa unang exhibition ng laro ng mga teams.
Ito ay upang hindi mabigla ang katawan ng mga atleta na ilang buwan nang natengga dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.
Sasalang naman ang lahat ng 22 teams sa tatlong exhibition games bago magbalik-aksyon ang NBA sa Hulyo 30.
Tiniyak din ng pamunuan ng NBA na negatibo lahat sa COVID-19 ang mga atleta na sasabak sa laro.
Habang tanging si NBA Draft No. 1 Pick Zion Williamson na lamang ang kasalukuyang sumasailalim sa quarantine period bago makasama ang New Orleans Pelicans sa scrimmages.