Ni Melrose Manuel
TINIYAK ng Philippine National Police na mahigpit nilang ipatutupad ang public health protocols alinsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases at Department of Health.
Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pag-aresto sa mga hindi nagsusuot ng face mask sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, maging ang mga ordinansa ng LGUs ay kanila ring ipatutupad para sa kaligtasan ng publiko.
Sa ngayon, mahigit 230,000 na ang quarantine violators sa buong bansa.
Samantala, siniguro rin ng PNP ang pagsunod sa kanilang Code of Conduct and Ethical Standards sa pagbabantay sa quarantine control points gayundin sa pakikipag-usap sa mga kababaihan at matatanda.