Ni Melrose Manuel
KINUMPIRMA ni Brazil President Jair Bolsonaro na nasa maayos na ang kalagayan matapos itong nahawaan ng COVID-19.
Ikinuwento nito na noong Hulyo a-singko ay nakitaan siya ng sintomas ng coronavirus nang magkaroon ng mataas na lagnat at nanghihina bago nito malamang nagpositibo siya pagkatapos sumailalim sa virus test sa Das Armed Forces.
Sa ngayon nasa maayos na aniya ang kanyang pakiramdam matapos uminom ng hydroxychloroquine at azithromycin na epektibo aniyang gamot sa impeksyon.
Isinailalim na rin ngayon sa isolation at virus testing ang lahat ng nakasalamuha ng Pangulo sa mga pagtitipon na dinaluhan nito. Matatandaan na pangalawa na ang Brazil sa Estados Unidos sa bilang ng impeksyon ng coronavirus at mga nasawi.