Ni Charity Valdez
BINANGGIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address o SONA na siya ay biktima ng pamilya Lopez noong 2016 presidential elections.
Ito ang isa sa naging laman ng talumpati ng pangulo na kanyang nalabanan ang mga oligarkiya ng bansa kabilang na ang ABS-CBN.
Ayon kay Pangulong Duterte, ginagamit ng mga Lopez ang ABS-CBN para sa kanilang political bias.
Dagdag pa ng pangulo, isa siya sa mga biktima ng ABS-CBN sa panahon ng 2016 elections.
Magugunitang naging usap-usapan na may kumpas ni Pangulong Duterte ang pagpapasara ng giant network na ABS-CBN kung saan ang pamilya Lopez ang siyang nagmamay-ari.