Ni Melrose Manuel
MAGHAHANAP ng pondo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para makabili ng high-flow nasal cannula (HFNC) devices na inererekomenda ng mga health experts na makakatulong para sa mga pasyente ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tinanong ng Pangulo ang mga eksperto kung ano ang best potential care para sa mga coronavirus patients at ang rekomendasyon ay ang high-flow nasal cannula sa halip na ventilators.
Kumunsulta rin ang Pangulo sa mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP) kaugnay sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa. At hiningan ng opinyon sa pagbubukas ng ekonomiya sa kabila ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 infection.
Giit ni Roque, aprubado naman para sa mga UP experts ang reopening sa ekonomiya ngunit kinakailangan paring palalawigin ang testing, isolation, at treatment.