Ni Melrose Manuel
MULING iginiit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address na wala itong planong makipag-giyera sa China.
Ito ay kaugnay sa patuloy na panawagan ng mga kritiko ng administrasyon na dapat igiit ng bansa ang pagkapanalo nito sa Permanent Court of Arbitration.
Ayon sa pangulo, hindi nito hahayaan na mamatay ang mga sundalo at pulis para lamang mabawi ang pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Dagdag pa ng pangulo, naka-pwesto na ang China sa pinag-aagawang teritoryo at mahirap na aniya itong paalisin.
Sa kabila nito, tiniyak ng pangulo na poprotektahan ng gobyerno ang sovereign rights ng bansa sa South China Sea.
Samantala, suportado naman ni Pastor Apollo C. Quiboloy si Pangulong Duterte sa paghawak ng sitwasyon sa West Philippine Sea.
Para kay Pastor Apollo, ginagawa lamang ng pangulo ang sa tingin niyang nararapat na gawin kahit pa ulanin ito ng batikos mula sa kanyang mga kritiko.