Ni Melrose Manuel
PINAKIKIUSAPAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko na iwasan ang pagsama sa mga pagtitipon lalo pa’t mataas ang panganib ng COVID-19 transmission.
Ito man ay mga kilos protesta, church gatherings, sports events, concerts, at iba pa.
Umaapela rin ng DILG sa mga rally organizers na huwag ikumpromiso ang kalusugan at kapakanan ng mga tao.
Muling iginiit ng DILG na anumang klase ng mass gathering o pagtitipon sa panahon ng pandaigdigang pandemya ay banta sa COVID-19 transmission.
Hinikayat din ang mga ito na maging responsableng mamamayan at gawin ang kanilang parte sa paglaban sa pandemya.