Ni Melrose Manuel
NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Sa inilabas na pahayag ni Belmonte, sinabi nito na nasa maayos siyang kalagayan at walang nararamdamang anumang sintomas.
Nagsasagawa na rin aniya ng contact tracing procedures ang QC Epidemology and Surviellance Unit.
Bukod dito, isinara rin aniya pansamantala ang kanyang tanggapan para madisinfect ito kasama ang common areas ng City Hall.
Tiniyak naman ng alkalde na patuloy ang serbisyo at gawain ng lokal na pamahalaan sa kabila ng kanyang pag-quarantine.
Siniguro rin nito na mananatili siyang nakatutok sa kalagayan at pangangailangan ng lungsod.