Ni Karen David
SUMAILALIM na sa disinfection at sanitation procedures ang tanggapan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte matapos magpositibo sa COVID-19 ang alkalde.
Bukod sa opisina ng alkalde, dinis-infect din ang iba’t-ibang opisina sa city hall upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng empleyado ng lungsod.
Matatandaan na inanunsyo ni Mayor Belmonte na nahawaan siya ng coronavirus sa kabila ng kanyang ibayong pag-iingat.
Nasa maayos naman aniya ang kalagayan ng lady mayor at walang pinapakitang anumang sintomas ng naturang virus.