Ni Vhal Divinagracia
NAITALA ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 mula sa jail facilities ng Region 7.
Base sa ulat, may kabuuang 731 na kaso ang Region 7.
146 naman sa Calabarzon at 139 sa National Capital Region.
Samantala, hanggang Hulyo 15, 180 ang active cases sa BJMP kung saan 126 ay mga inmates at 54 naman ang BJMP personnel.
895 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit at labing-isa na ang mga namatay.