Ni Justine Nazario
IPINAMAHAGI na ni Texas Governor Greg Abott ang halos 400 cases ng antiviral drug sa mahigit 157 na ospital sa lugar.
Matatandaan na batay sa pag-aaral, ang remdesivir lamang ang nakikita ng US Food and Drug Administration na maaaring gamitin sa mga taong infected ng COVID-19.
Nagpadala rin ang Texas Department of State Health Services ng 600 medical staff, 16 ventilators sa mga hospital ng Lower Rio Grande Valley Region.
Samantala, patuloy parin ang pagdami ng nagpopositibo sa COVID-19 sa Texas kaya naman naalarma ang gobyerno maging ang mamamayan.
Sa ngayon, umabot na sa 195 libo ang kumpirmadong kaso ng virus sa Texas kung saan 2,637 dito ang nasawi.