Ni Vhal Divinagracia
BUKAS na ang Rizal Park pero sa mga mag-eehersisyo lang na mga indibidwal.
Ito ang kinumpirma ng National Parks Development Committee o NPDC sa isang Facebook post.
Ayon sa NPDC, bukas ito sa loob ng limang oras mula alas singko ng umaga hanggang alas nuwebe ng umaga.
Kailangan lang aniya ng mga indibidwal na mag-fill up ng health declaration form bago pumasok sa naturang park.
Dapat lang din aniya na ipatupad ng mga mag-eehersisyo ang mga health protocols gaya ng social distancing.