Ni Melrose Manuel
IPALALABAS nang live at walang edit ang magiging Ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Lunes, Hulyo 27.
Ito ang tiniyak sa publiko ni Radio Television Malacañang (RTVM), Executive Director Demic Pabalan.
Kasunod na rin ito ng mga natanggap na batikos ng RTVM dahil sa umano’y pagpapalabas ng edited na talumpati ng Pangulo sa Jolo, Sulu kung saan inalis ang pagbatikos nito sa mga “oligarchs.”
Ang RTVM ang tanging media entity na papayagang pumasok sa Batasang Pambansa sa SONA ni Pres. Duterte sa Lunes.
Wala rin magiging press conference o ambush interview sa Pangulo matapos nitong ibigay ang talumpati.