Ni Vhal Divinagracia
IREREPASO ang Rules of Engagement ng Philippine National Police na aayon sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Ito ay ayon kay PNP Deputy Chief for Administration Police Lieutenant Gen. Camilo Cascolan.
Alinsunod ang nasabing hakbang sa naging shooting incident sa Jolo, Sulu noong nakaraang linggo sa pagitan ng AFP at PNP.
Ani Cascolan, kailangang mag-adapt ang pamamaraan ng pagpapatupad ng batas na akma sa new normal.
Malaking challenge kasi aniya ang pag-identify ng mga kriminal dahil sa pagsusuot ng face mask ng lahat ng tao.
Suhestiyon ni Cascolan, dapat sumailalim ng refresher course ang mga pulis lalong-lalo ang mga nakatalaga sa Mindanao.
Kasama sa tatalakayin dito ay tamang asal, self-control at paggalang sa karapatang pantao ng pulisya.