Ni Vhal Divinagracia
MAY vaccine nang nagawa laban sa COVID-19.
Ito ang kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa public address nito kagabi.
Ayon kay Duterte, kahit hahanapan niya pa ng pondo para makabili ng naturang vaccine, pagsisikapan niyang maihatid parin ito sa publiko.
Inamin ng Pangulo na kailangan niyang makalikom ng 110 million piso para dito.