Ni Melrose Manuel
BUMUO ng Food Delivery Service App ang aktor na si Dingdong Dantes para matulungan ang kapwa niya artista na nawalan ng trabaho sa gitna ng banta na dala ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa aktor, ang mga kasamahan niya sa industriya ay nagkaroon ng limang araw na pagsasanay para maging rider.
Nagpasalamat naman si Dingdong sa Yes Pinoy Foundation para matulungan sila para dito.
Tiniyak naman ng aktor ang kanilang pagsasanay bilang paghahanda sa sakuna na posibleng mangyari sa kanilang pagbiyahe lalo na at nakamotorsiklo ang mga ito.
Maliban dito, pinayuhan din ng aktor ang kanyang mga rider sa financial management para matulungan ang mga ito na gamitin ang kanilang kita sa gitna ng pandemya.