Ni Justine Nazario
SINAGOT na ng aktres na si Sofia Andres ang tanong sa kanya ng mga fans kung bakit itinago niya sa publiko ang pagdadalang-tao.
Ayon kay Sofia, sinunod niya lamang ang payo sa kanya ng kapatid nito.
Sinabi rin ni Sofia na baka pag maaga niyang isinapubliko ay marami siyang maririnig na komento mula sa ibang tao tulad ng bakit maaga siyang nagbuntis at iba pa.
Makakasama rin aniya kasi ito sa bata dahil maaaring ma-stress lamang siya sa sinabi ng ibang tao.
Walong buwan na ang anak niya bago niya ito ipinaalam sa lahat.
Gayunpaman, nagpasalamat ang aktres sa patuloy paring suporta sa kanya maging ang naging katuwang nito noong nagbubuntis pa lamang siya.