Ni Karen David
ISINAILALIM sa 14 day lockdown ang NAIA Task Force Against Trafficking at lahat ng Inter-Agency Council Against Trafficking Offices sa NAIA terminal 1, 2 at 3 simula Hulyo 8 na tatagal hanggang sa Hulyo 22.
Ito ay matapos magpositibo ang apat na tauhan ng NAIA-TFAT sa COVID-19 base sa PCR swab test na isinagawa noong Hulyo 2.
Habang nakalockdown, magsasagawa ng disinfection at cleansing procedures sa mga opisina.
Samantala, tiniyak ni Department of Justice Spokesperson Undersecretary Markk Perete na sa kabila ng lockdown sa IACAT offices ay mananatiling nakalatag ang mga existing protocol para madetect ang trafficking situations.
Patuloy rin aniyang tatanggap ang IACAT offices ng mga report sa trafficking situations sa pamamagitan ng hotlines at social media.
Nanatili rin aniyang operational ang iba pang IACAT units kabilang ang National Bureau of Investigation Anti-Human Trafficking Division at IACAT operations center na pawang bahagi ng IACAT repatriation team na humawak sa Trafficking in Persons (TIP) cases sa NAIA at repatriation ng OFWs.