Ni Jao Gregorio
IPINUNTO ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, na bukod sa terrorism act ay layon din ng Anti-Terrorism Law na mapigilan ang terrorism financing.
Sa panayam ng SMNI News kay Biazon na siyang vice chairman ng House Committee on National Defense, sinabi nitong ito ang puwang sa nauna ng Human Security Act of 2007.
Aniya, malaking bagay na mapigilan ang pagpasok ng pondo sa mga makakaliwang grupo para mabawasan na rin ang mga act of terrorism.
Samantala, may paalala naman si Biazon sa mga kritiko ng bagong batas na karapatan nilang maghain ng petisyon sa Korte Suprema kung nais nilang malinawan sa batas.
Giit ni Biazon na may ilang probisyon kasi sa ATL na subject to various interpretations.