Ni Melrose Manuel
NAKALIGTAs sa parusa ang Gilas Pilipinas Pool Members na sina Thirdy Ravena at Isaac Go sa kabila ng paglabag ng mga ito sa General Community Quarantine Protocol.
Matatandaan na nahuli ang mga itong naglalaro ng isang 5-on-5 basketball kasama ang iba pang star player na sina Japeth Aguilar at Adrian Wong sa isang private gym sa San Juan sa kalagitnaan ng GCQ.
Bagaman hindi napatawan ng parusa ang dalawang manlalaro ay hindi naman ito nakaligtas sa samahang basketball ng Pilipinas (SBP).
Ayon kay SBP Executive Director Sonny Barrios, pinagsabihan na ang mga ito nila SPA President Panlilo na maging mabuting ehemplo sa nakararami.
Magugunita naman na pinatawan ng 20,000 pisong multa sina Wong at Aguilar ng PBA at sumailalim ang mga ito sa swab testing.