Ni Melrose Manuel
NAKAPAGTALA ang Vietnam ng dalawang impeksyon ng COVID-19 matapos manatiling virus free mula noong buwan ng Abril.
Ang mga bagong kaso ay naitala sa Da Nang City, ang nangungunang sentro ng turismo sa Central Vietnam at sa Quang Ngai Province.
Kaugnay nito, muling ipinatupad ng mga awtoridad ang mahigpit na coronavirus restrictions sa syudad, pagsasara sa mga tourist locations, pagbabawal sa mga pagtitipon, at paghimok sa mga tao na magsuot ng face masks.
Hinimok din ng mga lokal na awtoridad ang mahigit sa walumpung daang libong turista na umalis na sa syudad kasunod ng pagpapatupad sa bagong mga restriksyon.
Nitong linggo, pinahintulutan ng Civil Aviation Authority of Vietnam ang mga local airline na ilikas ang na-stranded na mga turista mula sa Central City ng Da Nang.
Sa kabuuan, umabot na sa 420 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Vietnam.