Ni Tony Cuevas
PATULOY ang pagtaas ng bilang ng mga manggagawa sa Sta. Rosa Laguna na nagpopositibo sa COVID-19.
Sa ulat ng lokal na pamahalaan nitong weekend umabot sa 119 ang positibong kaso sa loob lamang ng 1 araw kung saan 23 dito ay mga babae at 3 ang medikal workers.
Sa mga nagpositibo dalawa lamang ang nakitaan ng sintomas habang asymptomatic na ang iba pa, sampu sa mga babae ay nagtatrabaho sa ibat-ibang kumpanya at pabrika sa Laguna.
Kabilang sa mga positibo ay isang 10 taong gulang na lalaki at kapatid nitong 18 anyos, habang karamihan sa mga lalaking positibo ay nagtatrabaho sa ibat-ibang tanggapan kabilang ang 2 pumapasok sa Metro Manila at 114 naman sa labas ng Sta Rosa.