Ni Tony Cuevas
PINAWI ni Camarines Norte Prov. Police Office Chief P/Col Marlon Tejada ang pangamba ng publiko hinggil sa 12 pulis ng lalawigan ng nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa CNPPO ang 12 pulis ay nasa training sa Camp Nakar sa Lucena ngunit pinauwi sa kanilang mga probinsya matapos ma-expose sa isa nilang kaklase na nagpositibo sa COVID-19.
Ang mga ito ay agad na dinala sa designated isolation facility ng lalawigan at isinailalim sa swab test at naka-isolate hanggang maideklarang negatibo sa COVID-19.
Magugunitang 3 miyembro ng pulisya ng lalawigan ang unang nagpositibo at 9 noong linggo, 11 rito ay nakadestino sa CNPPO at ang isa naman ay nakatalaga sa anti cybercrime unit ng PNP-Bicol.