Ni Melrose Manuel
ISINAILALIM ngayon sa lockdown ang labing apat na barangay sa Marawi City, Lanao Del Sur sanhi ng tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Ayon kay Inter-Agency Task Force Deputy Chairperson sa Lanao Del Sur Dr. Alinader Minalang, ito ay upang maiwasan pa ang pagkalat ng virus.
Ani Minalang, napansin nila ang mabilis na pagtaas ng kaso sa syudad kung kaya’t ito ang kanilang naging pagtugon.
Sa kabila nito, ayon kay Minalang, hindi nila isasailalim sa lockdown ang buong barangay kundi yung mga area lamang malapit sa pamilya na nagkaroon ng COVID-19 patient.
Sa ngyaon, mayroon ng 56 confirmed cases at 16 active cases ang Marawi City.
Samantala, sa buong Lanao Del Sur, umabot na sa 211 ang kaso ng COVID-19 at mayroong 29 active cases.