Ni Melrose Manuel
INANUNSYO ni House Secretary General Atty. Jose Luis Montales na dalawa namang empleyado na nakatalaga sa tanggapan ni Speaker Alan Peter Cayetano ang nagpositibo rin sa COVID-19.
Ang dalawa ay pang 27 at 28 kaso ng COVID sa Kamara.
Huling nagtungo ang dalawa sa Kamara noong Hulyo a-16 at sinailalim ito sa COVID-19 test noong Hulyo a-25.
Muli namang nagpaalala si Montales na mas higpitan ang pag-iingat dahil kumalat na ang virus sa kumunidad.
Samantala, kinumpirma naman mismo ni Basilan Rep. Mujiv Hataman na nagpositibo siya sa COVID-19 kasama ang kanyang maybahay.
Ayon kay Hataman nagpasya itong magpa COVID test makaraang makaranas ng ilang sintomas ng COVID-19 at ngayon ay kasalukuyan na silang naka-quarantine.