Ni Tony Cuevas
NAKAPAGTALA ang lungsod ng Navotas ng 285 positibo sa COVID-19 na gumaling sa loob ng isang araw.
Ang nasabing bilang ang pinakamalaking recovery na naitala sa lungsod at sa buong Northern Metro Area simula nang magkaroon ng pandemya sa bansa.
Umabot naman sa 102 ang kumpirmadong nahawa ng virus at habang isa ang binawian ng buhay.
Kaugnay nito nais ng ilang frontliner na palawigin pa ang MECQ dahil 70% pang okupado ang mga ospital sa siyudad at kapag ibinalik ito sa GCQ ay tiyak na mapupuno muli ang kanilang mga ospital.