Ni Vic Tahud
NA–ISTRANDED ang aabot sa 5.1 percent sa kabuoang populasyon ng bansa o katumbas ng 3.5 milyong adult Filipinos ngayong buwan ng Hulyo.
Ito ay ayon sa inilabas na resulta ng Social Weather Stations survey.
May pinaka-mataas na bilang ng mga locally stranded individual sa Mindanao na umabot sa 1.3 milyong katao, sa Visayas naman 770,000 katao, tapos Luzon 650,000 at ang panghuli ay ang Metro Manila na mayroong 200,000 LSI.
Nangangahulugan ito na marami sa ating mga kababayan ang tumitira pansamantalang tirahan at naabutan na ng community quarantine.