Ni Melrose Manuel
HUMARAP na sa binuong Task Force PhilHealth ang tatlong opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.
Batay sa impormasyon na ibinahagi sa media ng DOJ, bilang lead agency ng binuong task force ay kabilang sa mga tumestigo sina Senior Vice President and Chief Information Officer Jovita Aragona, Corporate Secretary Jonathan Mangaoang at Acting Senior Manager ng PhilHealthâs Fact-Finding Investigation and Enforcement Division Ernesto Barbado.
Inamin umano ni Aragona sa DOJ na hindi kinakaya ng kasalukuyang IT systems ng PhilHealth na matukoy ang mga fraudulent claims sa ahensya.
Ipinaliwanag ni Aragona na ito ay dahil sa kabiguan ng mga kinauukulang opisina sa PhilHealth na matukoy ang kinakailangang internal control systems noong ginagawa pa lang ang disenyo at dinedevelop ang IT systems ng ahensya.
Samantala, sinabi naman ni Mangaoang na ang kontrobersiyal na Interim Reimbursement Mechanism o IRM ay una nang ipinanukala noong January 2020 para masiguro ang financial viability ng mga ospital at mga medical establishments sakaling magkaroon ng emergencies o yung tinatawag na mga fortuitous events.