Ni Margot Gonzales
NASA 30 container vans ang kinoconvert ngayon ng Navotas City para gawing isolation units.
Ang itinatayong isolation units ngayon sa lungsod ay may 120 bed capacity para sa mga pasyenteng may mild at asymptomatic sa coronavirus disease or COVID-19.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco ang mga container vans ang magiging isolation facility sa lungsod sa halip na mga paaralan.
Di pa raw kasi nila tiyak kung maari pa nilang gawing isolation facility ang mga ilang paaralan sa lungsod.
Matatandaan na kamakailan lamang ay sinabi ng Department of Education na maari nang gamitin ang mga paaralan bilang Isolation Facility. Pero ayon kay Navotas PIO Chief Irish Cubbilan hindi lahat ng paaralan sa Navotas ay conducive para gawing isolation facility.
Balak pa ng LGU na magdadag pa ng mga container van para sa gawing karagdagang isolation facility sa tulong ng Department of Works and Highways o DPWH.
Aniya ang proyekto ay sa pakikipagtulungan ng nasabing ahensya.