Ni Melrose Manuel
NAKAUWI na ng bansa ang 386 Pinoy na mula sa Lebanon.
Mag-a-ala una kaninang hapon nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang Qatar Airways Flight QR 3150 lulan ang mga Pinoy.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs na kabilang din sa mga dumating ang labi ng walong overseas Filipinos kung saan apat dito ay mga nasawi sa pagsabog sa Beirut Port kamakailan.
Dadaan naman ang mga ito sa standard operating procedure kung saan kinakailangan silang isailalim sila sa swab test at quarantine passes upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.