Ni Melody Nuñez
NAIUWI na sa bansa ang 54 na mga OFW na nasawi sa Saudi Arabia nakaraang Martes, Hulyo a-28.
Ito ang pangatlong batch o huling batch sa 301 bilang na mga nasawi sa nasabing bansa na naiuwi sa Pilipinas.
Dalawampu sa mga ito ang nagmula sa Alkhobar kungsaan labing-walo ay nasawi dahil sa COVID-19, sampu naman ang nanggaling sa Jeddah na lahat ay tinamaan ng COVID virus, dalawampu’t apat ang mula sa Riyadh at labing-isa dito ang nasawi sa COVID.
Tiniyak naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III makatatanggap ang kamag-anak ng nasawing OFW ng tulong mula sa gobyerno
Aniya, kapag miyembro ang mga ito sa OWWA ay mabibigyan sila ng bereavement benefits na P120, 000.
Kaagad namang ikrinemate ang mga nasabing bangkay bago binigay sa kanilang mga kamag-anak ang abo nito.