Ni Melrose Manuel
MAYORYA ng mga Pilipino ang naniniwalang mas sumama ang kanilang buhay ngayon kumpara noong nakaraang 12 na buwan.
Batay sa National Mobile Phone Survey ng Social Weather Stations (SWS), 79% ang nagsabing lumala ang kalidad ng kanilang buhay ngayon.
Ito ang ikalawa sa pinakamataas na naitala ng SWS kung saan narekord ang 83% na pinakamataas noong Mayo.
Nasa 8% naman ang naniniwalang gumanda ang kanilang buhay habang 12% ang nagsabing walang nagbago sa kanilang buhay.
Isinagawa ang survey mula Hulyo 3 hanggang 6 sa 1,555 Filipino adult sa buong bansa.