Ni Melrose Manuel
SINIMULAN nang palitan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga concrete barriers ng steel bollards sa kahabaan ng EDSA.
Nasa 6,000 piraso ng bollards, ang ilalagay sa EDSA kasama dito ang underpass at overpass.
Ayon sa obserbasyon ng MMDA, isa sa mga nakikitang dahilan ng kadalasa’y vehicular accidents sa EDSA ay dahil sa nakalagay na concrete barriers.
Nauna nang inilagay ng MMDA ang mga concrete barriers matapos ipatupad ang bus way lane.
Ayon kay MMDA Traffic Chief Bong Nebrija, ang paggamit ng bollards ay bahagi ng road diet sa kahabaan ng EDSA upang mas magamit pa ang espasyo na nakalaan sa mga bus, pribadong mga sasakyan at bikes.
Paglilinaw naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia, mula sa isang pribadong sektor ang ginagawang pagpapalit ng steel bollards sa EDSA.