Ni Vic Tahud
PAPAYAGAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang nasa mahigit siyamnaraang mga jeepney na pumasada sa labing limang ruta sa National Capital Region kung babalik na sa General Community Quarantine (GCQ) sa August 19.
Matatandaang bago pa man isinailalim muli sa Modified Enhanced Community Quarantine, napag-desisyunan na ng LTFRB na payagang pumasada ang mahigit siyamnaraang mga jeepney.
Bago sila maka-biyahe dapat meron silang QR code na ipapaskil sa kanilang jeepney unit.
Dagdag pa ng LTFRB, walang mangyayaring pagtaas sa singil ng pamasahe.
Kaugnay nito, oobserbahan pa rin sa pagsakay ng jeep ang mga health protocol para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Kasabay rin nito ang pagsunod sa mandatory na pagsusuot ng face shields.