Ni Melrose Manuel
UMAAPELA ang grupong Alliance for Consumers and Protection of Environment, Inc. (ACAPE) sa Department of Health (DOH) na ipatigil ang paggamit ng hindi tumpak na rapid test kits na gawang China.
Naalarma ang ACAPE dahil mismong si Philippine General Hospital Director Dr. Gerardo Legaspi ang nagbabala na ang rapid antibody test ay hindi maaasahan sa COVID testing.
Panawagan ng grupo sa DOH, agad suriin ang China-produced rapid test kits para sa accuracy at kaligtasan nito dahil naghahatid ito ng panganib sa kalusugan ng milyun-milyong Pilipino.
Iginiit ng ACAPE na ang inaccuracy ay posibleng maging dahilan ng paglobo ng COVID-19 cases sa bansa.
Naniniwala ang ACAPE na dapat protektahan ng gobyerno ang mga Filipino consumers laban sa proliferation ng nasabing faulty rapid test kits mula China.