Ni Melrose Manuel
NAGBAHAGI ng kaalaman ang three time MVP na si Alyssa Valdez sa mga nais na sumunod sa yapak ng kanyang tagumpay sa paglalaro ng volleyball.
Pangunahing ibinahagi nito ay ang kanyang mga sikreto upang mapaganda ang kanyang performance sa kanyang paglalaro.
Sa pamamagitan ng online streaming, sinabi nito na dapat may tamang warm up at ehersisyo para masiguro na nasa tamang kondisyon ang katawan bago sumalang sa laban.
Kasama rin ni Valdez sa online streaming sina Coach Jim Saret at Southeast Asian Games KaraTedo Gold Medalist Jamie Lim na nagbahagi rin ng kanilang kaalaman.
Ipinaliwanag din ni Valdez ang kahalagahan ng teamwork lalo na sa isang team sport gaya ng volleyball at numero uno itong armas para makuha ang inaasam na tagumpay.