Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
ANG Ikalawang Pagdating ay nagsimula na. Pinatutunog ng Anak ang pakakak. At patuloy na pinatutunog.
1 Mga Taga-Corinto 15: 50-55;
52 “Sa isang sandali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang pakakak…
Ito ang sandali na ‘yon, sa isang kisap-mata, sa huling pakakak. Ito ang huling mensahe ng pakakak.
…at ang mga patay ay mangabubuhay na magmuli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin.”
Kayo ay patay na. Kayo ay binuhay nang walang kasiraan. Ang espiritu sa loob ninyo ay hindi masisira sa inyong pagpili na sumunod sa Kalooban ng Ama kagaya ng Hinirang na Anak, at tayo ay magkaroon ng pagbabago.
ANG ESPIRITU NG PAGSUSUNOD SA KALOOBAN NG AMA
Una sa lahat, ano ang nabago sa inyo? –ang espiritu ng pagsuway patungo sa espiritu ng pagsusunod. Pinapahusay pa ninyo ‘yan ‘di ba? Kapag kayo ay sinubukan, paminsan kayo ay sumuway. Ang iba hindi na makatayo sa pagsuway. Habang ang iba ay lumuwalhati na, ang iba naman ay nahuhulog. Ang bawat isa ay nililipat na ang kanilang katapatan sa Bagong Herusalem. Ang iba ay nahuhulog sa tabi. Habang sila ay nasa alapaap, sila ay nahuhulog. Bakit? Kagaya kayo ng asawa ni Lot. “Oh, babalik ako doon. Napakaganda ng Amerika, ang green card, ang dolyar.”
Kapag wala na kayong nakitang anumang bagay kundi ang Kalooban ng Ama at ang katapatan ninyo ay nailipat na sa Kanyang Kalooban lamang kahit anuman ang mangyari, kayo ay nagbago na mula sa loob.
53“Sapagka’t kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.
Ang espiritu ng Anak sa pagsusunod sa Kalooban ng Ama ay hindi na masisira ng kaaway, sa pamamagitan ng laman, sa pamamagitan ng pera. Hindi ito mababago sa anumang mga bagay na ‘yan. Isa pa rin akong tao na kagaya ninyo. Makakasama ninyo ako sa anumang mga bagay na ito. Ngunit pagdating sa desisyon kung saan nakalagay ang aking katapatan, maaari kong iwanan ang lahat ng mga ito at ang aking espiritu ay kasama na ng Ama.
ANG ANTAS NG KALUWALHATIAN NG MINISTERYO NG ANAK
Kaya huwag ninyo akong subukan na ilagay sa isang lugar upang magdesisyon. Ang desisyon ko ay palaging para sa Ama. Ano ang sa inyo? Kapag kayo ay inilagay sa isang lugar, at naharap kayo sa isang tukso, ano ang inyong magiging desisyon? Masisira ba ang inyong pagsusunod? Masisira ba ito ng pera, ng laman, ng kapangyarihan — O ng anumang maibigay ng mundong ito? Kapag kayo ay patuloy na masisira, hindi kayo tunay na nagbago. Nasa proseso pa kayo ng pagbabago. Maging kapareho sa Hinirang na Anak.
54Datapuwa’t pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.
55Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo?
Ito ang tinatawag natin na antas ng kaluwalhatian ng ministeryo ng Anak sa mundo ngayon. Kapag ito ay mangyari, hindi ninyo ito malalaman. Hindi ko ito sasabihin sa inyo. Hindi ninyo malalaman kung ako ay naluwalhati na o hindi pa. Hindi ko ito ipapakita. Patuloy akong mangangaral dito.
ANG KAHARIAN NG LANGIT AY NARITO NA SA LUPA
Ito ang Ikalawang Pagdating. Kapag ang kasaganaan ng mga anak ng Ama ay nasa arko na ng kaligtasan, ang pinto ay isasara. Tanging ang mga nasa pagsunod lamang ng Kalooban ng Ama ang maliligtas.
Nagpapasalamat ba kayo na nananatiling tumutunog ang pakakak? Marami pang mga anak ng Ama ang papasok dito sa Kaharian. Halina kayo! Ang Kaharian ng Langit ay narito na sa lupa ngayon.
Kapag ang Anak ay maluwalhati, lahat kayo ay maging kagaya ko na maluwalhati rin at malalaman ninyo ano ang patungkol sa kaluwalhatian. At pagkatapos ay ipapakita ko sa inyo ang planeta na iyan. Ipapakita ko sa inyo ang langit na nais puntahan ng mga tao na ako at kayo lamang ang maaaring makatungo doon. Maaari na kayong makarating doon dahil mayroon na kayong maluwalhating katawan na kagaya ko. Kung walang kaluwalhatian sa katawan, paano kayo makapupunta roon? Hindi nga ninyo marating ang buwan. Tingnan ang mga astronauts na pumunta sa buwan. Gumawa muna sila ng teknolohiya at iyan lamang ang lahat na kanilang magagawa. Ngunit ang mga maluwalhating katawan, sila ay lilitaw at mawawala sa anumang panahon na gusto nila. Maaari silang pumunta sa saan mang lugar sa kalawakan ayon sa kanilang kagustuhan. Maaari akong makarating saan mang lugar sa ilang segundo na walang visa, walang customs, walang immigration — wala lahat. Lalampasan ko sila.
ANG KAPANAHUNAN NG KAHARIAN
Alalahanin mga kapatid na ang Ikalawang Pagdating ay narito na. Dumating Siya at nakatagpo ng isang katawan at naglalakad Siya sa kalagitnaan ng mga tao. Bakit Siya ay narito? Iniipon Niya ang Kanyang mga anak, ginagawa Niya bilang modelo ang Hinirang na Anak. Dahil kung wala ang mga anak, sino ang magmamana ng langit? Wala.
Kaya kalimutan na mga kapanahunan ng simbahan. Ang mga kapanahunan na iyon ay lumipas na. Ito ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian, ang maliwanag na kapanahunan ng pag-aani ng mga anak na lalaki at anak na babae.
**********WAKAS*********