Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
ANG kaluluwa ng tao ay pinakamahalaga sa paningin ng Panginoon dahil ang buhay ng tao ay isang buhay na pinaglalagakan ng kaluluwa.
Kaya napakahalaga na alagaan natin nang mabuti ang ating kaluluwa. Ang uri ng espiritu na nangingibabaw sa atin ang siyang magtuturo sa ating mga isipan, kaugalian at katangian at siyang magpapasya sa destinasyon ng ating kaluluwa.
Ang kaluluwa ay napakahalaga. Sa Mateo 16:26, tinutukoy dito ng salita ng Panginoon, “Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? O ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay? Ganoon din sa Mateo 10:28, “At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa’t hindi nangakakapatay sa kaluluwa: bagkus ang katakutan ninyo’y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno.”
Walang kabuluhan ang aking mensahe kung hindi ako magsasalita hinggil sa kahalagahan ng inyong kaluluwa. Kaya ako ay ipinadala sa buong sanlibutan – upang iligtas ang inyong kaluluwa na nahiwalay mula sa Panginoon. Sa simula, nang Kanyang nilikha ang tao mula sa alikabok ng lupa at lumapit Siya sa tao at binigyan siya ng kaluluwa. Ang Salita ng Panginoon ay nagsasabi, “Hiningahan ng Panginoon ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay.”
ANG TATLONG BAHAGI NG TAO
Ang tao ay binuo ng tatlong bahagi: ang katawan, ang kaluluwa at ang espiritu. Ang katawan ay nagsasabi sa atin kung saan tayo nanggaling at ito ay babalik sa abo. Matatagpuan ‘yan sa Genesis 3:19 at Ecclesiastes 3:20. Ang kaluluwa, ang buhay na ibinigay sa atin ay nagsasabi kung sino tayo; ito ang hininga ng buhay.
Ang Ama ang siyang kumunekta sa atin ng ating limang pandama. Ang ating limang pandama ay naroroon sa ating pisikal na porma; ito ang pandama ng pang-amoy, pandama ng paningin, pandama ng pandinig, pandama ng panglasa, pandama ng panghipo. Lahat ng mga ito ay nakakonekta sa ating pisikal na porma at ito ay kumukunekta sa ating materyal, pisikal na mundo.
Naging mahalaga ‘yan lahat sa tao, ngunit kanilang nakalimutan ang pinakamahalagang bagay na magkokonekta sa kanila sa Kanya. Ito’y walang iba kundi ang pananampalataya kungsaan ito ay nawala nang ang tao ay sumuway sa Panginoon.
ANG KAHALAGAHAN NG ESPIRITU
Ang demonyo ay dumating at nilinlang ang tao, at sinabi ng demonyo sa tao, “Sinabi ba ng Panginoon na mamamatay kayo kapag kinain ninyo ang prutas na ito? Ang ipinagbabawal na prutas?” at sinabi ng babae, “Oo, sinabi ‘yan ng Panginoon, kapag kinain namin ang ipinagbabawal na prutas, kami ay mamamatay.”
Nagsinungaling sa kanila ang demonyo at nagsabi, “Hindi, tiyak na hindi kayo mamamatay, ngunit kayo ay magiging mga panginoon na kagaya Niya.” Nang sila ay nalinlang, nananatili silang pisikal ngunit hindi sila naging espirituwal.
Kapag mayroon lamang kayong kaluluwa at isang katawan, kayo ay buhay lamang sa pisikal, ngunit kayo ay hindi buhay sa espirituwal. Ang espiritu ang siyang pinakamahalaga sa tao ngunit ang kaluluwa ay nagsasabi sa atin kung sino tayo.
Kapag ang kaluluwa na iyan ay pumasok, mararamdaman ninyo ang pagkabuhay at makikilala ninyo ang lahat ng bagay na nasa palibot ninyo – mga magulang, mga kamag-anak, mga kulay, ang kagandahan ng nilikha ng Panginoon at lahat ng mga bagay na napalibot, ang kaluluwa ay magsasabi at magbibigay sa inyo ng kaalaman ng atmospera ng inyong paligid. Ganito ang ginagawa ng kaluluwa.
Ngunit kapag nananatili lamang kayong may katawan at kaluluwa, kayo ay pisikal lamang. Dapat nalalaman ninyo na may lumikha sa inyo. Hindi ninyo nilikha ang inyong sarili, ngunit kayo ay nilikha ng Panginoon.
Iilan lamang sa atin sa mundong ito ang nakakaalam na sila ay nilikha ng Panginoon dahil sila ay walang espiritu. Bakit mahalaga ang espiritu? Kapag ang espiritu ay dumating sa inyo, ito ay magsasabi sa inyo kung sino ang lumikha sa inyo at magsasabi sa inyo kung saan kayo nanggaling.
Sinasabi ng salita ng Panginoon sa Juan 6: 63, “Ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay. Kapag narinig ninyo ang salita ng Panginoon, ito ay magbibigay sa inyo ng pag-uunawa at kaalaman kung sino ang Panginoon. At ang espiritu na sasainyo ay nanggagaling sa salita ng Panginoon kaya imposible sa inyo ang makikilala ang Panginoon kapag hindi kayo nakikinig sa salita ng Panginoon. Dahil sinasabi ng salita ng Panginoon, “Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.”
Maaari lamang ninyong mahawakan ang Panginoon sa pamamagitan ng pananampalataya, ngunit hindi ninyo Siya mahahawakan sa pamamagitan ng pananampalataya kapag hindi kayo nakikinig sa Kanyang mga Salita. Ito ang mga salita na dinadala ko sa buong sanlibutan ngayon.
Ang pisikal na buhay ang nangyayari kapag ang katawan at ang kaluluwa ay buo. Lumalakad ang mga tao sa mga syudad ngunit katawan at kaluluwa lang ang mayroon sila. Nasaan ang espiritu? Ang espiritu ay nagbibigay sa atin ng kaalaman ngunit ang demonyo ay kasamaan. Ang karnal at makademonyong kaalaman ay hindi nagmumula sa Panginoon.
Sa paningin ng Ama, ang kaluluwa na walang espiritu ay patay. Lahat ng mga naglalakad na may katawan at kaluluwa ngunit walang espiritu. Sa paningin ng Panginoon, sila ay patay sa espiritu at kapag ang inyong pisikal ay namamatay, ang ibig sabihin nito ay hindi kayo makapupunta sa langit. Kaya kailangan ninyo ng kaligtasan at dito ako pumasok upang magdala ng gawain ng kaligtasan sa buong sanlibutan.
Sa paningin ng Panginoon, ang espirituwal na buhay ang permanente at ang pisikal na buhay ay pansamantala lamang dahil mamamatay ito isang araw. Ang tao ay binigyan ng 70 taon upang mabuhay at pagkatapos ng kamatayan ay ang paghuhukom. Ngunit saan tutungo ang inyong kaluluwa? Iyan ang problema.
(ITUTULOY)