Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
HINDI ninyo nalalaman ang Salita ng Panginoon. Kayo ay buhay sa pisikal ngunit patay kayo sa espirituwal. Isang araw lumapit ang disipulo ni Jesus Christ sa kanya at nagsabi, “Hindi ako makasasama sa inyo ngayon dahil ililibing ang aking ama na bago lang nasawi.” Sinabi ni Jesus Christ, “Hayaan ang mga patay ang maglibing sa kanilang patay.”
Para sa ating mga tao, kung kayo ay lumakad nang patayo, tayo ay buhay. Yan ang buhay para sa atin. Ngunit sa Panginoon ay hindi iyan ang buhay, dahil walang halaga sa Panginoon ang 70 taon. Sa panahong kayo’y lumabas mula sa sinapupunan ng inyong ina, kayo ay patay na. Sa paningin ng Panginoon kapag hindi kayo nakakonekta sa Kanya sa espiritu, kayo ay patay.
Ang pagiging patay sa espirito
Kaya sinabi niya sa Kanyang disipulo, hayaang ang patay ang maglibing sa kanilang patay, dahil silang mga buhay na patayong naglalakad ay mga taong patay sa paningin ng Panginoon, at ang patay sa atin ay ang mga taong nakahigang patay na katawan na ating binubuhat patungo sa libingan. Para sa atin ang pisikal na buhay, pero sa Panginoon ay hindi. Ito ay espirituwal – kaya bagama’t may pisikal kayo na katawan at kaluluwa, mukha kayong buhay pero patay pa rin kayo. Kaya kapag titingnan ko ang pitong bilyon katao, ilan sa kanila ang may kaalaman sa Salita ng Panginoon kagaya ng paano tayo tinuruan ni Jesus Christ.
Mga taong nahiwalay sa kalooban ng Diyos
Mula sa pitong bilyong tao sa sangkatauhan, ako ang unang pinili na maging isang Anak na lalaki, at ngayon ako ay ipinadala sa buong sanlibutan upang magbunga ng mga anak na lalaki at anak na babae na maging buhay sa espirituwal.
Nahiwalay ang tao sa Ama dahil sa binhi ng pagsuway — ang binhi ng ahas na dumating sa atin. Ang tao ay naging estranghero sa Panginoon na siyang lumikha sa kanya. Hindi na siya makaririnig mula sa Ama. Kaya nga iniinterpreta ng tao ang mabuti at masama ayon sa kanyang sariling pag-uunawa. “Kayo ay magiging Diyos na kagaya Niya” nangangahulugan na maaari ninyong interpretahin ang mabuti at masama ayon sa sarili ninyo at hindi ayon sa Panginoon. Kaya ngayon kayo ay nahiwalay mula sa Kalooban ng Panginoon.
Kung hindi kayo makikinig sa kalooban ng Panginoon at tumalima sa kanyang tinig, kayo ay patay sa espirituwal. Kapag kayo ay mamamatay, wala kayong lugar kung saan tutungo ang inyong kaluluwa sa langit. Kaya kung kayo ay hindi makapupunta sa langit siguradong kayo ay mapupunta sa impiyerno.
Dalawang destinasyon ng kaluluwa ng tao
May dalawang destinasyon ang kaluluwa ng tao: ang langit o impiyerno. Saan kayo nais pumunta?
Nais ba ninyong pumunta ng langit? Wala sinumang may gustong pumunta sa impiyerno. Hindi nila naiintindihan kung ano ang espirituwal dahil sila ay patay sa kanilang pag-uunawa sa Panginoon. At dito ako ay pumasok upang maibigay sa inyo ang pag-uunawa na iyan.
Ang lahat ng kaluluwa ng sangkatauhan ay pag-aari ng Panginoon at kailangan na sila ay babalik sa Panginoon. Hindi kayo maaaring makabalik sa Panginoon kung hindi ninyo Siya kilala at makikilala lamang ninyo Siya kapag malalaman ninyo ang Kanyang mga salita. Kaya sinabi Niya sa Ezekiel Kapitulo 18:4, “Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.”
Ang kaluluwa ng Anak ay akin at ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay. Kapag namatay ang isang tao, ang kanyang destinasyon ay pinal na. Wala nang pakikipagsunduan kung saan gugugol ang tao sa kanyang eternidad. Sa Hebreo 9:27, ay sinasabi, “At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;”
Ito ang mensahe na madalas kung binibigay sa mundo ngayon at maraming mga tao ang hindi naniniwala nito. Hindi ko sila masisisi dahil sila ay naging napaka-pisikal at karnal. Sila ay naging mga materyalistiko kung kaya ang kanilang espirituwal na pandama ay namatay na sa matagal nang panahon. At narito ako upang buhayin ko kayong muli sa espirituwal. Ang mga salita na sinasalita ko sa inyo ay espiritu at ang mga ito ay buhay.
Ang Juan 6:53 ay nagsasabi, “Sinabi nga sa kanila ni Jesus, katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, maliban nang inyong kainin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili.” Maraming mga tao sa mundong ito ay tumitiwala sa kanilang pisikal na buhay, lalo na kapag sila ay mayaman at maraming pera. Ang Salita ng Panginoon ay may sagot para diyan at inilahad ko sa inyo ang kahalagahan ng kaluluwa.
Sa Lucas 12: 16-20, “At nagsaysay siya sa kanila ng isang talinghaga, na sinasabi, Ang lupa ng isang taong mayaman ay namumunga ng sagana: At iniisip niya sa sarili na sinasabi: ano ang gagawin ko, sapagka’t wala akong mapaglalagyan ng aking mga inaning bunga? At sinabi niya, Ito ang gagawin ko: igigiba ko ang aking mga bangan, at gagawa ako ng lalong malalaki at doon ko ilalagay ang lahat ng aking butil at aking mga pag-aari.
At sasabihin ko sa aking kaluluwa, kaluluwa, marami ka nang pag-aaring nakakamalig para sa maraming taon; magpahingalay ka, kumain ka, uminom ka, matuwa ka. Datapuwa’t sinabi sa kaniya ng Diyos, ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa; at ang mga bagay na inihanda mo, ay mapapa sa kanino kaya?”
Ito ay napakalinaw na salita ng Ama para sa ating mga tao, lalo na sa mga mayaman at kahit na hindi kayo mayaman dahil ang mayaman at mahirap ay kapwa mamamatay.
Pagbubulayan natin ang kuwento na ito. Ang mayamang tao ay sobrang napakayaman. Siya ay matagumpay sa kanyang negosyo. Kaya sinabi niya sa kanyang mga alipin, “Gigibain natin ang maliit na bangan na ito at magtayo tayo ng mas malaking bodega upang ilalagay doon ang aking mga inaning bunga dahil ako ay naging matagumpay.”
Siguro dahil lumago ang kanyang negosyo, siya ay naging milyonaryo. Ngayon siya ay naging bilyonaryo at inisip niya sa kanyang sarili na lubhang napakarami na niyang mga pangarap na natamo at wala na siyang mapaglalagyan ng mga ito.
Magtatayo ako ng mas malaking mga bodega para paglalagyan ko ng aking mga produkto. Siguro ang kanyang bank account ay napakalaki na at hindi niya alam kung anong gagawin niya sa kanyang pera, at pagkatapos ay sinabi niya sa kanyang kaluluwa, “Kumain, uminom, at maging masaya dahil napakalaki ang nakalaan para sa iyo ngunit ang Panginoon ay nagsabi sa kanya. Ikaw na hunghang, ngayong gabi ay hihingin sa iyo ang iyong kaluluwa. Sino ang magmamana sa mga bagay na iyong inilaan para sa iyong sarili? ” Ito ang nangyayari sa mga tao na mayaman dito sa lupa ngunit hindi mayaman sa langit.
(Itutuloy)