Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
TINUTURO sa atin ng mga tao na kapag namatay ang ating mga mahal sa buhay, tayo ay dumalangin para sa kanila upang sila ay mailipat mula sa purgatoryo patungong langit. Hindi ‘yan totoo, ito ay isang tradisyon dahil ang Salita ng Panginoon ay nagsasabi, “Si Lazaro ay tinawag ng mayamang lalaki, “Suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka’t naghihirap ako sa alab na ito.” Ano ang sinabi sa Salita ng Panginoon? “Hindi. Hindi ka makapupunta rito at ang narito ay hindi makapupunta diyan. Ang iyong tadhana ay pinal na.”
MAKINIG SA MGA SALITA NG PANGINOON UPANG MAGIGING TUNAY NA MAYAMAN
At kanila tayong tinuruan na kailangan ang mga buhay ang siyang manalangin para sa mga patay upang sila ay mailipat mula sa purgatoryo patungo sa langit; hindi pa rin yan totoo. Dahil ang patay ang siyang nananalangin para sa mga buhay. “Mayroon pa akong limang kapatid. Kung mamamatay sila, mapupunta sila dito sa lugar ng kapighatian kung saan narito ako.”
Ito na ang panahon sa inyo na maging mayaman sa langit; kayo ay patutungo roon. Narito ako upang gawin kayong mayaman. Ito ang tunay na kayamanan. Alalahanin ang mayamang hunghang. Akala niya na siya ay napakayaman ngunit nang siya ay namatay, ang Ama ay nagsabi, “Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa; at ang mga bagay na inihanda mo, ay mapapa sa kanino kaya?”
Siya ay mayaman sa lahat ng tao ngunit hindi siya mayaman sa langit. Nais ba ninyong maging mayaman sa langit? Makinig sa Salita ni Jesus Christ sa Pahayag Kapitulo 3. Ito ang sinasabi:
Dahil sinabi mo, ako ay mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman;
Ito ang pisikal at ang espirituwal. ‘Sapagka’t sinabi mo, ako ay mayaman, at nagkamit ng kayamanan.’ Kagaya ito ng mayamang lalaki, ang mayamang hunghang, nagkamit ng mga kayamanan at hindi nangangailangan ng anoman.
Mayroon akong lahat ng bagay: mga sasakyan, mga bahay, pera sa bangko, mga eroplano, mga helikopter, mga resort, mayroon akong lahat ng ‘yan. Mayroon akong kaligtasan.
Ngunit ang taong ito na ikinuwento sa Pahayag 3:17, ay mayaman lamang sa sanlibutang ito, ngunit tingnan ang kanyang espirituwal na kalagayan. Hindi niya alam. Kung hindi niyo nalalaman, kayo ay bulag. Kahit bukas ang inyong mga mata dahil hindi ninyo nalalaman, kayo ay bulag; kaya narito ako upang ipaalam ko ‘yan sa inyo.
“…at hindi nalalaman…” Hindi niya nalalaman na siya ay aba at maralita at dukha at bulag at hubad. Sa paningin ng Panginoon, ganito nakikita ang lalaking mayaman, siya ay maralita.
KAYO’Y NAKAKAKITA KAPAG KAYO AY NAKAKAUNAWA
Kung hindi ninyo naiintindihan, kayo ay bulag. Ngunit kapag inyong nauunawaan, inyo itong makikita. Kaya kung pinauunawa ko sa inyo ang mga bagay, kayo ay makakikita, “Nakita ko. Naunawaan ko ang iyong ibig sabihin.” Dati hindi ninyo nakikita, ngayon nakikita na ninyo, dahil mayroon kayong kaalaman, mayroon na kayo ngayong kaunawaan kung ano ang patungkol sa kaligtasan.
Nais ninyong maging mayaman na kagaya ko? Sinasabi rito sa Pahayag 3:18:
“Ipinapayo ko sa iyo na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy.”
Alam ba ninyo kung ano ‘yang ginto na dinalisay ng apoy? Ito ang Salita ng Panginoon. Si Jesus Christ ay namatay sa krus dahil sa Salita na Kanyang dinala sa atin. Ibigin ang Panginoon ng buo ninyong puso, ng buong kaluluwa, at buong kalakasan. Ibigin ang inyong kapwa ng kagaya ng pag-ibig ninyo sa sarili. Ito ang mga Salita ng Panginoon. Ibigin ninyo kahit ang inyong kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo’y nagsisiusig. Ito ang mga Salita ni Jesus Christ na Kanyang dinala sa atin.
Kaya sinabi Niya sa Kanyang mga Salita sa Juan 12:48; Ang nagtatakwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw.
Ang mga salitang ito ay mayroon nang katawan ngayon na siyang ako, kailangan kong dumanas ng kahirapan sa anim na taon sa dalawang bundok sa pagkain ng saging sa limang taon sa huling bundok na ‘yan. Bago ko natanggap ang mga salita at manahan ang mga ito sa akin, ako ang kanilang laman, ako ang kanilang dugo, ang salita ngayon ay naging laman. Ngunit bago ko maibigay sa inyo ang mga ito, ang mga ito ay kailangang maidalisay sa apoy.
Kaya ang aking desisyon ay hindi magbabago – ang aking puso ay buo na, ang aking isip ay nakapagpasya na, susundin ko ang Kalooban ng Ama anuman ang mangyari. Kaya sinabi Niya, Ipinapayo ko sa iyo na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy. Habang kayo ay nakikinig sa akin, kayo ay bumibili ng ginto na dinalisay ng apoy…upang kayo ay maging mayaman.
Ang mga tao na may kaligtasan na kagaya ko, ay mayayaman, kahit na mahirap tayo dito sa lupa, mas nakabubuti kung tayo ay mayaman dito at mayaman din tayo doon sa langit. Napakagandang mabuhay ng ganyan dahil ito rin ay ang Kanyang pangako. At sinabi Niya:
…upang ikaw ay yumaman: at ng mapuputing damit, upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran;
TAYO AY NILALANG NG PANGINOON
Dahil kapag kayo ay hinatulan sa huling mga araw at wala kayong kaligtasan, kagaya kayo ng hubad. Kayo ay manginginig sa harapan ng Panginoon, at kayo’y hihiling ng bagay na tatakip sa iyo at walang maitatakip dahil wala kayong kaligtasan.
…at ng mapuputing damit, upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, na ipahid sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita.
Ang inyong mga mata ay mabubuksan, ang espirituwal na mata ay mabubuksan. Hindi ninyo maiintindihan ang mga bagay na ito noon, ngayon ay naiintindihan niyo na ang mga ito. Ngayon kayo ay nakakikita, kayo ay nakakaunawa. Ngunit kahit ang inyong mga mata ay nakabukas kung hindi ninyo nauunawaan, kayo ay bulag.
Kahit na ayaw ninyong tumanggap ng mga ito dahil nakakabukas ito ng inyong mga mata, kayo ay nananatiling bulag; at kapag kayo ay mamamatay, ito ang espirituwal na estado ninyo sa paningin ng Panginoon.
Kaya, wala sa sinuman sa 7 bilyong mga tao na makapagyayabang ng mga kayamanan, ng kanilang yaman, ng kanilang siyentipikong pag-iisip. Hindi sila makapagyayabang patungkol sa maka-agham na kanilang nakamit. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa modernong teknolohiya. Ngunit kahit sa nakalilipas na 5, 000 taon, ang teknolohiya ng kompyuter ay naroroon na. Ito lamang ay kailangan pang madiskubre. Ngunit sino ang gumawa nito? Ang lahat ng bagay ay gawa ng Panginoon.
(ITUTULOY)