Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
SIGURO tinanong ninyo sa inyong sarili, “Ano itong ministeryo ng Kaharian?” Siguro ang iba sa inyo ay nagtataka kung bakit pinapalakpak natin ang ating mga kamay at humihiyaw sa ating pagpuri sa Kanya.
Sa Mga Awit 47, nagsasabi ang Salita ng Panginoon, “Oh ipalakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay.”
Ginagawa natin ‘yan dahil hindi ito suhestyon, ngunit ito ay isang utos na sumamba sa Kanya sa ganyang paraan. Siguro nagtataka rin kayo kung paano nagsimula itong Ministeryo ng Kaharian ni Pastor Apollo C. Quiboloy, na tinawag bilang Hinirang na Anak ng Diyos.
Hindi ito gawa-gawa ko lamang, ito ay isang pagtawag na nanggagaling sa Dakilang Ama. Masasabi ko na kahit nasa sinapupunan pa ako ng aking ina, ako ay pinili na sa ganitong ministeryo na mayroon ako ngayon.
ANG MINISTERYO NG HINIRANG NA ANAK
Ito ay isang destinasyon na hindi ko matatakasan dahil ito ay isang pagtawag at isang ministeryo na ipinagkatiwala sa akin ng Dakilang Ama.
Ako ang pinakabunso sa siyam na magkakapatid at ako ay isinilang sa paanan ng bundok sa Lungsod ng Davao na tinawag na “Tamayong.” Habang isinisilang ako ng aking ina, nakakita siya ng isang pangitain na ang Panginoon ay nasa ulap at may narinig siya na isang tinig na nagsabi, “Iyan ay aking anak.”
Narinig ko ang kuwento na ‘yan nang maraming beses habang ako ay lumalaki. Hindi nauunawaan ng aking ama at ina ang kahulugan ng pangitain na ‘yan. Normal ako na kagaya ninyo, ngunit hindi ko alam sa sarili ko na darating ang panahon na ang aking pagtawag ay matutupad.
ANG MISYON NI MOSES
Kagaya ng pagtawag kay Moses upang iligtas ang mga tao sa Israel sa ilalim ng pang-aalipin ng Ehipto, si Moses ay isinilang ng kagaya ng ibang bata. Ang mga Israelita ay inalila ng mahigit 400 taon sa Ehipto hanggang ipinadala ng Panginoon ang isang tao na magiging kanilang tagapagligtas.
Nang ang kanyang ministeryo ay pinagana, natagpuan niya ang kanyang sarili sa kalagitnaan ng kagubatan. Narinig niya ang isang tinig nang kanyang nilapitan ang isang nagliliyab na halaman na siyang humila sa kanyang atensyon. Sinabi ng tinig, “Moses, hubarin mo ang iyong panyapak sa iyong mga paa, sapagka’t ang dakong iyong kinatatayuan ay banal na lupa.” Iyan ang simula ng pagsasanay ni Moses.
Sa 40 taon sa kagubatan hanggang sa matapos ang mga taon ng kanyang pagsasanay, siya ay ipinadala pabalik sa Ehipto upang kunin ang kanyang mga mamamayan mula sa pang-aalipin ng Ehipto. Sila ay dumaan sa Red Sea at ito ay bumukas. Hinabol sila ng mga sundalo ng Ehipto nang tumawid ang mga piniling mamamayan ng Israel sa kabilang dako. Hinabol sila ng mga sundalo sa tuyong lupa at nabiyak ang dagat at gumawa ito ng pader na tubig sa magkabila.
Sa panahong makatawid na ang pinakahuling tao sa kabilang dako ay bumalik ang tubig at nilunod ang lahat ng humahabol sa kanila. Ganyang paraan ang ginamit ni Moses upang mailigtas ang Israel mula sa pang-aalipin ng Ehipto. Siguro ‘yan ay napakaluma na “Lumang Tipan” at sinasabi ninyo na hindi ito mangyayari sa modernong panahon. Mangyayari ‘yan, dahil bago magkaroon ng Pablo ang Apostol, siya ay si Saulo ang mang-uusig.
SI SAULO NA MANG-UUSIG AY NAGING SI PABLO NA APOSTOL
Inusig, pinatay at pinanood habang pinapatay ang mga tagasunod ni Jesus Christ ni Saulo ang mang-uusig. Siya ay isang miyembro ng malaking relihiyon upang usigin ang tagasunod ni Jesus Christ at si Pablo ay isa sa kanila. Ngunit ang buhay ni Pablo ay nakadestino rin na maging apostol ni Jesus Christ. Kaya isang araw, isang napakaliwanag na sinag ang tumama sa kanya. Siya ay nabulag at yumuko sa lupa na sumigaw: “Sino po kayo, Panginoon?” Si Saulo na mang-uusig ay nakarinig ng tinig na nagsabi, “Ako si Hesus, na iyong pinag-uusig. Mahirap sa iyo ang sumikad sa mga matulis.”
Diyan nagsimula ang ministeryo ni Pablo ang Apostol. Nang siya ay inihiwalay ng 14 taon sa disyerto, siya ay tinuruan ng mga kapamaraanan ng Panginoon. Kaya mayroon tayong Pauline Epistles, ang mga sulat ni Pablo na nananatili sa atin ngayon.
Sa aking kaso, hindi ko nalalaman na tinawag ako sa ministeryong ito. Wala akong ideya kung magiging ano ang ministeryong ito dahil isa akong miyembro ng denominasyon mula sa Amerika.
ANG PAGTAWAG SA HINIRANG NA ANAK
Bago ako nagtapos mula sa mataas na paaralan, mayroon na akong mga palatandaan na espirituwal na galing sa Dakilang Ama. Hindi ko alam, ngunit ang mga palatandaan na iyon ay nagbibigay sa akin ng palaisipan sa magiging kapalaran ng aking buhay.
Pinadala ako ng dati kong denominasyon sa isang malawakang pagtitipon ng mga Kristiyano sa Korea na may isang milyon katao o higit pa. Pagkatapos ng dalawang linggo, kami ay handa na para umuwi.
Bago ako bumalik sa Pilipinas, narinig ko Siya sa isang ballroom service. Narinig ko ang tinig ng Panginoon at ang tinig na iyon ay nagsabi sa akin, “Gagamitin kita.” Hindi ko nauunawaan ang sinabi kaya nagtanong ako sa Kanya, “Sino po kayo?” Kanya akong dinala sa dalawang bundok sa anim na taon, binura ang agam-agam ng aking isipan na ang tinig na iyon na tumawag sa akin ay hindi sa demonyo kundi sa Panginoon.
Sinunod ko ang Kanyang tinig nang malaman ko na Siya ang tumawag sa akin. Ang aking buhay ay nakatakda ayon sa pangitain na nakita ng aking ina nang ako’y kanyang isinilang. Ito ang direksyon at destinasyon na ipinadala ng Panginoon para sa akin. Ako ay sinanay sa ibang bundok ng limang taon na humaharap sa mga kapagsubukan at paghihirap bago narinig ko ang Kanyang tinig. Sinabi niya, “Ngayon, ikaw ay aking Anak.”
Ngayon ay naunawaan ko kung bakit ang aking ina ay mayroong pangitain nang ako ay kanyang ipinapanganak. Pagkatapos niyan, sinabi sa akin ng Ama, “Ipapadala kita sa buong sanlibutan. Mayroon akong mga anak sa lahat ng lungsod sa mundo. Hindi mo sila nakikilala, hindi ka nila nakikilala, ngunit kapag narinig nila ang iyong tinig, kanilang itong susundin dahil kilala ng aking tupa ang aking tinig.”
NAGPASIMULA SA PILIPINAS HANGGANG SA BUONG SANLIBUTAN
Mula sa panahong iyon, tumungo ako at sumunod sa tinig ng Dakilang Ama upang tuparin ang kapalaran ng aking buhay upang mag-ikot sa buong mundo. Wala akong pera, mahirap ako, wala akong kapangyarihan, walang-wala ako. Ngunit kapag ang Panginoon ang siyang magpapadala sa iyo, manampalataya lamang kayo dahil Kanyang tutuparin ang Kanyang mga pangako na Kanyang ipinangako sa inyo.
Nagsimula ako sa mga lungsod ng sarili kong bansa. Paisa-isa. Pagkatapos sa Pilipinas, ipinadala ako ng Ama sa ibang bansa, paisa-isa. Pagkatapos ng 34 taon, ako ngayon ay umaabot sa 200 mga bansa at 2, 000 lungsod at ang tinipon ng Ama ang mahigit anim na milyong mga anak na lalaki at anak na babae sa buong mundo. Hinaharangan na ni Satanas ang aking pagdating, ngunit hindi niya mapapatigil ang milyong tao ng Panginoon. Hindi niya mahaharangan ang gawain ng Panginoon sa Bansang Kaharian na pinapalago ang pagpapalaganap ng Mana ng Kapahayagan ng Ebanghelyo ng Kaharian na ipinagkatiwala sa akin ng Dakilang Ama.
Ano ang mensahe na ibinigay sa akin ng Ama? Ito ba ang mensahe na inyo nang narinig noon? Ito ay may malaking pagkakaiba dahil kagaya ng sinabi ko, hindi na ako miyembro ng nominal na Kristiyanismo. Ako ngayon ang Hinirang na Anak ng Panginoon at nangangahulugan iyan na ako ngayon ay ang Kanyang templo, Kanyang residente, at ako ngayon ang Kanyang naririnig na tinig sa laman, upang maihahayag sa laman ang Kanyang mga salita na Kanyang sinalita 2, 000 taong nakalilipas, ang mga salita ng Dakilang Amang si Hesukristo.
(ITUTULOY)