Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
NAKIKITA ninyo ang espirituwal na pananaw? Tinuturo ko ito sa inyo dahil ito ang itinuro ng Ama sa akin. Sinabi niya, “Anak, ipadadala kita bilang kaunahang espirituwal mula sa nagkasalang lahi ni Adan bilang isang Hinirang na Anak.” Ito’y kung paano ninyo makilala ang mga tao, sa paraang sila’y titingin sa inyo, ay sila ‘yan. ‘Yan kung sino kayo. Kaya alam ko kung sino kayo.
Sa paraan na nakikita ako ni Sis. Ingrid, paano niya ako makikinita bawat araw? Nakikinita niya ako bilang Hinirang na Anak sa bawat araw, sa bawat minuto, sa bawat segundo. Nagtatanong ba siya sa akin? Naghihinala ba siya sa akin? Eksaktong kapareho niya ako. Gusto niyo bang malaman kung sino kayo?
Tingnan ninyo ako. Paano ako kinikinita ng mga tao sa labas? Kinikinita nila ako bilang kulto dahil repleksyon ‘yan kung sino sila nang ipangaral nila ang holy three at aking ipinahayag ang Holy One na siyang batayan na isinulat sa Salita ng Ama.
Nakikita nila kung sino sila at dahil nagkakasala sila diyan at ayaw nilang harapin kung sino sila, kanilang itinaboy ito pabalik sa akin.
ANG ESPIRITUWAL NA KATAYUAN SA AMA
Nang sinabi nila na ako ay kulto, malalaman ninyo kung sino ang kulto. Sa paraan na tinitingnan ninyo ako ay kung ano kayo sa espirituwal na katayuan sa Ama. Sa paraan na tingnan niyo ako, hindi ako ‘yan.
Kapag kayo ay karnal, at tiningnan ninyo ako, tinitingnan ninyo ako bilang karnal na kagaya ninyo. Hindi ‘yan ako. Ako ay isang espirituwal na tao at maaari lamang ninyo ako makikita bilang espirituwal kapag kayo ay nakarating sa lebel ng esprituwalidad na kagaya ko.
Sino kayo kapag nakikita ko kayo? Malalaman ba ninyo kung sino kayo kung makikita ko kayo? Tiningnan ko kayo sa limang taon o sampung taon mula ngayon. Hindi ko tinitingnan ang inyong karnalidad, tinitingnan ko ang inyong espirituwalidad. Gaano ang espirituwalidad na meron kayo? Kung wala kayo, ibubuhos ko ang espirituwal sa inyo upang magkaroon kayo ng espirituwal na kapital upang sa isang araw kayo ay tatayo at magiging kagaya ko.
Dahil kung titingnan ko kayo ngayon at titingnan ko kayo sa paraan na tinitingnan ninyo ang inyong sarili, hindi kayo makatatayo sa harap ko.
Hindi ko kayo mapagtiisan. Kung makikita ko lamang ang inyong pagkatao, kung titingnan ko ang inyong pagkatao at ikumpara ito sa batayan sa espirituwalidad, hindi kayo makatatayo ng isang linggo sa akin. Itataboy ko kayo. Hindi ko kayo titiisin. Ngunit dahil ako ay espirituwal at isa sa mga bunga ng espiritu ay ang matiyagang pagtitiis, magtitiis ako para sa inyo.
Hindi ko tinitingnan ang inyong pagiging parang bata bagaman kayo ay isang bata, nagsasalita kayo na kagaya ng bata, umintindi kayo na kagaya ng bata, nag-iisip kayo na kagaya ng bata. Hindi ko ‘yan nakikita.
Ang nakikita ko ay sa pamamagitan ng pananampalataya sa kung magiging sino kayo sa hinaharap. Nang dumating dito si Yulia Oleynik siya ay naisilang muli sa pagsusunod sa Kalooban ng Ama, siya ay tumubo sa espiritu. Nananatili siya dito ng limang taon. Sa limang taon na iyon, kung titingnan ko lamang ang kanyang pagkabata at ang kanyang espirituwal na paglago, hindi siya makapanatili ng isang linggo na kasama ko.
Ngunit hindi ‘yan ang nakikita ko. Nakikita ko si Yulia Oleynik pagkatapos ng limang taon. Sino na siya ngayon? Siya ay isang espirituwal na mandirigma para sa Kaharian ng Langit doon sa Ukraine.
Kung nakikita ko lamang si Ingrid, Tessie sa paraan kung sino sila, sa paraan kung sino sila 30 taong nakalilipas nang sila ay kasama ko o maging si Sis. Nori, kung hindi ako nagtiis ng matagal at hindi ko nakikita kung sino sila sa hinaharap, wala sila dito ngayon.
Hindi ko sila titiisin dahil sasabihin ko sa Ama, “Napapagod ako sa mga taong ito. Napapagod ako sa katuturo sa kanila. Napapagod ako sa pagpapakita sa kanila ng aking kabutihan. Napapagod ako sa pagpapakita sa kanila ng aking kabaitan. At kinakain lamang nila ito at bumabalik sa kanilang dating pamamaraan.”
“Napapagod ako sa kanila. Paalisin na sila.” Hindi ko ‘yan ginawa.
Hindi ko nakikita ang inyong pagkatao, nakikita ko kung magiging sino kayo sa espiritu pagkatapos magawa ng Ama ang kanyang gawain sa inyong buhay. Iyan ang kahulugan niyan. Kung titingnan ko kayo bilang isang bata, at kung titingnan ko kayo at kayo ay nagsasalita bilang isang bata at umuunawa kayo bilang isang bata, at palagi kayong nag-iisip bilang isang bata at palagi kayong humaharap sa akin na ganyan, walang ni isa ang mananatili dito.
NAKIKITA NG ANAK ANG ESPIRITUWAL NA BAHAGI
Ngunit hindi ‘yan ang nakikita ko, ang aking nakikita kapag kayo ay tumubo, nakikita ko ang inyong paglago sa espiritu dahil kapag kayo’y lumago sa espiritu, kapag kayo’y naging anak na lalaki at babae ng Ama, alam kong alisin ninyo ang mga bagay ng pagkabata. Hindi na kayo nakakayamot.
“Yan ang nakikita ko sa mga bata na dumarating dito, mula sa pagkaalipin ng kanilang sariling kalooban, ng kasalanan ng laman, ng pananaig ng Satanas na si Lucifer ang demonyo.
Kapag kayo ay alipin, ang lahat ng nakikita ninyo ay ang inyong sarili lamang, ang lahat ng nakikita ninyo ay mga bagay na karnal. Ganyan kayo tumingin sa mga bagay. Lahat ng inyong nakikita ay mga bagay na karnal, lahat ng inyong nakikita ay mga bunga ng laman dahil iyan ang lebel ng inyong pag-iisip.
Kaya kayo ay alipin ng Satanas na si Lucifer ang demonyo.
At pagkatapos ay narinig ninyo ang mensahe at kayo ay umahon mula sa ganyang uri ng pagkalubog sa espiritu. Kayo ay nasa libingan ng inyong kasalanan.
‘Yan lang ang inyong nakikita, ‘yan lang ang inyong pinag-uusapan. Pagkatapos narinig ninyo ang salita ng Hinirang na Anak. Kayo ay umahon, pagkatapos kayo ay nagsisisi, pagkatapos kayo ay nabinyagan – pagbibinyag ng apoy.
Pakatapos kayo ay dumaan sa apoy para sa paglago sa espiritu. Bakit apoy? Upang ang lahat ng mga bagay na hindi Kalooban ng Panginoon sa inyo na hindi pa ninyo naisuko ay maihahayag at masusunog.
(ITUTULOY)