Ni Vic Tahud
NAGBANTA ang google na ang bagong proposal ng Australia kung saan pinagbabayad ito para sa news content na inilalabas nito ay maaaring makasama sa free search services nito sa bansa.
Sa isang open letter na ipinost ng google online, isinaad nito na gusto nitong ipaalam sa lahat na ang bagong regulasyon ng pamahalaan ay maaaring makaapekto sa paggamit ng mga mamamayan ng google search at You Tube.
Ayon kay Mel Silva, managing director ng google sa Australia, ang proposed regulation ay pwersahang magdudulot ng pangit na koneksyon sa google search at You Tube at posibleng ang mga user data ay ibigay na rin sa malalaking news business sa bansa.
Matatandaang noong nakaraang buwan, ang Australia Competition Regulator ay nag-publish ng draft law na pinipilit ang google at facebook na magbayad sa mga media groups kapalit ng news content ng mga ito.
Sa kabilang banda, nagpahayag naman ang Australian Competition and Consumer Commission ng kritisismo sa open letter ng google at sinabing ang laman nito ay pawang ‘misinformation’ lamang.