Ni Melrose Manuel
IGINIIT ng Department of Health na walang matibay na ebidensya o magpapatunay na ang bagong strain ng coronavirus na natagpuan sa Pilipinas ay mas infectious o mas nakakahawa kumpara sa COVID-19.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na batay sa pag-aaral ng Philippine Genome Center ay may nakita silang bagong strain na G614 na base sa pag-aaral ay nag-mutate o nabago na raw mula sa dating D614.
Pero kailangan anyang maintindihan ng publiko na ang naturang pag-aaral ay nakatutok pa lamang sa Quezon City kaya ang representative sample nito ay hindi para sa buong bansa.
Sa ngayon anya ay wala pang solidong ebidensya na mas mabilis na nakakahawa ang naturang strain at hindi pa tiyak na mangyayari dito.
Paalala naman ni Vergeire na kahit anumang strain ng coronavirus ang lumutang sa Pilipinas ay kailangang huwag kalimutan ng publiko ang mahigpit na pagpapairal ng minimum health standards para malabanan ang coronavirus.