Ni Vic Tahud
HINDI libre ang mga bakuna laban sa COVID-19 na makukuha ng bansa mula sa Russia at China.
Ito ang kinumpirma mismo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang public address kagabi.
Sa kabila nito, handa naman aniyang mag-suplay ang Russia sa bansa, oras na available na ang nasabing bakuna.
Malaki naman ang pasasalamat ni Pang. Duterte kay President Putin sa pagnanais nitong mabahagianan ng bakuna ang bansa.
Bagama’t babayaran ang nasabing bakuna, hihilingin ni Pang. Duterte na ito ay babayaran sa pamamagitan ng installment.