Ni Mhet Sanding Miñon
ANG Batanes na lamang ang natatanging lalawigan sa Region 2 na ligtas sa COVID-19.
Ito ay makaraang magtala na rin ang Quirino ng kauna unahan nitong COVID-19 positive.
Sinabi ni Quirino Governor Dakila Carlo Cua na ang pasyente ay asymptomatic at naka-confine ngayon sa Southern Isabela Medical Center sa Santiago City.
Nagsimula na rin aniya ang pamahalaang panlalawigan ng Quirino sa pagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente.
Kasunod nito, pinaalalahanan ni Gov. Cua ang kanyang mga kababayan na huwag mabahala at tiyaking ligtas sa sakit.