Ni Melrose Manuel
TIYAK na mapipirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukalang Bayanihan to Recover As One o Bayanihan 2 ngayong linggo.
Ayon kay Senador Bong Go, hinihintay na lang na maratipikahan ng Kongreso ngayong linggo ang nasabing panukala para mapirmahan ng pangulo.
Kinakailangan na aniyang maaprubahan ang Bayanihan 2 upang mabigyang tulong ang mga apektadong mamamayan maging ang nasa pampubliko at pribadong mga health workers.
Maaalala na inaprubahan ng bicameral committee noong nakaraang Huwebes ang ₱140-million budget maging ang 25-million standby allocation para sa mga programa ng pamahalaan na makatutulong sa mga apektadong sektor dulot ng pandemya.